^

PSN Palaro

Toroman nangangamba sa Iran, Lebanon sa Champion's Cup

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tama si Smart Gilas Pilipinas coach Rajko Toroman sa paniniwalang ang Iran at Lebanon ang siyang team to beat sa 22nd FIBA Asia Champions Cup na magsisimula sa Mayo 28 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang Iran na katatawanin ng Mahram at ang Lebanon na ibabandera ng Al Riyadi ay kakampanya sa liga gamit ang ilan sa kanilang national players bukod pa sa mahuhusay na Imports.

“Iran and Lebanon are bringing with them rosters spiked with members of the national teams and imports with good credentials, futher emphasizing their status as the top favorites in the tournament,” wika ni Toroman.

Ito ang unang malaking FIBA-Asia hosting ng Pilipinas matapos idaos sa bansa ang Champions Cup anim na taon na ang nakalipas.

Si NBA veteran Loren Woods ang sinasabing maglalaro sa Al Riyadi. Si Woods ay isang 7’2” center na naglaro na sa Miami Heat, Toronto Raptors at Houston Rockets sa NBA at noong nakaraang taon ay tinulungan ang Mahram na maghari sa Champions Cup..

 Siya ay naglalaro na sa Al Riyadi mula pa noong Oktubre at naghahatid ng 14.3 puntos at ganitong bilang ng rebounds sa Lebanese Basketball League.

 Kasama rin sa Lebanese team si naturalized player Joe Vogel habang ang iba pang national players ay sina Ali Mahmoud, Ali Fakhredine at Nour Jean Abdel.

 Maaari ring sumali pa si Fadi El-Khatib na lalong magpapalakas sa koponan dahil ang 6’6” player ay kilala sa kanyang angking husay ng paglalaro.        

 Ang Iran naman ay ibabandera ng mga dating national players na sina Samad Nikkah Bahrami, Mehrad Atashi, Kayeh Nourafza at Mehdi Kamrani na tinulungan ang koponan na manalo sa 2010 Champions Cup.

Pakay nga ng Iranians na makuha ang ikalimang sunod na titulo sa liga at ang unang dalawang titulo na kinuha noong 2007 at 2008 ay dala ng Sabah Battery ng Tehran habang ang Mahram na ang nagdomina mula 2009.

 Sasandal naman ang Gilas kina Marcus Douthit, PBA reinforcements Paul Asi Taulava at Dondon Hontiveros bukod pa kina Chris Tiu, JV Casio at Marcia Lassiter upang mapagharian ang torneo tungo sa ikalimang kampeonato ng Pilipinas sa Champions Cup.

vuukle comment

AL RIYADI

ALI FAKHREDINE

ALI MAHMOUD

ANG IRAN

ASIA CHAMPIONS CUP

CHAMPIONS CUP

CHRIS TIU

DONDON HONTIVEROS

MAHRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with