Manila, Philippines - Makikipagtagisan ang mga Pilipinong motocross riders sa fifth leg ng 2011 Enersel Forte National Motocross Series ngaytong araw sa Dipolog City.
Kasama din sa karera ang “Hudyaka Zanorte” Leg ng pretihiyosong motorace na inorganisa ng lokal na Dipolog Cycles Unlimited, isang 30-taong motorcycle club sa siyudad.
Babanderahan ng Golden Wheel Awardees na sina Donark Yuzon at Glenn Aguilar, ang unang Asian Motocross Champion, at si Jovie Saulog ang kampanya ng mga PInoy laban sa mga pambato ng Germany, Estados Unidos at Switzerland.
Ito ang ikalimang karera ng SEL-J Sports ngayong taon. Ang SEL-J Sports ay isang organisasyon na naniniwalang ang pagiging malusog ay susi sa mas produktibong sambayanan. Ang anak na ito ng SEL-J Pharma Corporation ay pinili ang motoracing bilang banner event at ang karera sa Iloilo ay pagpapatuloy ng muling pagbuhay sa kasikatan ng motocross bilang isport sa bansa at upang makatulong na rin sa turismo.
Ang SEL-J ang pangunahing tagapataguyod ng rehabilitasyon ng motocross sa Pilipinas na nagsasanay ng mga bata at mahuhusay na riders na maging world-class na racers.