^

PSN Palaro

Matinding labanan sa PNG simula na ngayon

-

BACOLOD CITY, Philippines --Ang fun run ang siyang unang event na pakakawalan ngayong umaga para sa pagsisimula ng 2011 Philippine National Games dito sa Bacolod City New Government Center.

 Nakapaloob sa fun run ang mga kompetisyon sa 10-kilometer, 5-kilometer at 3-kilometer run.

 Hahataw naman ang apat sa kabuuang 34 sports events sa 2011 PNG sa pamamagitan ng gymnastics sa St. John Institute at San Agustin College Gymnasium, ang canoe/kayak sa Bantayan Park, Bago River at ang arnis sa Silay City Plaza.

Ang mga events na gagawin sa Bacolod City ay ang 5K at 10K marathon, athletics, badminton, beach volleyball, billiards, equestrian, fencing, gymnastics, judo, karatedo, lawn tennis, motorcycle sports, sai­ling, soft tennis, swimming, taekwondo, volleyball, wall climbing, weightlifting, wind surfing at wrestling.

Nasa Bago City naman ang canoe kayak, dragon boat, muay thai at wushu, habang ang baseball, road cycling, futsal, football, penkak silat, softball at table tennisay gagawin sa Talisay.

Ang Silay City ang magsasagawa ng archery, arnis, sepak takraw at triathlon. 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na ang naturang sports event ang kanilang magiging ba­se­han sa pagpili ng mga atletang ibibilang sa national pool.

ANG SILAY CITY

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY NEW GOVERNMENT CENTER

BAGO RIVER

BANTAYAN PARK

NASA BAGO CITY

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

SAN AGUSTIN COLLEGE GYMNASIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with