MANILA, Philippines- Inangkin ng Quezon City ang karapatang katawanin ang East Zone pero anim na koponan ay kailangan namang dumaan sa playoff ngayon para madetermina kung sino ang lulusot sa kanilang grupo sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship.
Napapaboran naman ang Mandaluyong, Antipolo at Caloocan dahil sila ang magtataglay ng twice to beat advantage sa mga makakalaban sa playoff na gagawin sa iba’t ibang lugar. Kalaro nga ng Mandaluyong ang San Juan sa Mandaluyong City sa na alas-6 ng gabi para sa Central Zone habang ang Antipolo ay makikipagtuos sa Taytay sa alas -6 ng gabi sa Robinson’s Homes sa Antipolo para sa West Zone.
Ang Caloocan naman ay babangga sa Valenzuela para sa North Zone. Ang Mandaluyong ay mayroong 5-1 karta habang nasa ikalawang puwesto ang San Juan sa 4-2.
May magkatulad na 4-2 baraha ang Antipolo at Taytay pero nanalo ang una sa huli sa kanilang naunang pagtutuos para makuha ang bentahe haban ang Caloocan ay nakuha ang bentahe sa Valenzuela kahit may iisang 3-3 karta dahil tinalo na rin nila ang makakalaban.
Kakalabanin naman ng Muntinlupa (4-2) ang Las Piñas (3-3) sa ganap na alas-3 ng hapon sa Muntinlupa Sports Complex at Taguig (3-2) at Pasay (4-1) sa 6 pm sa Ligid-Tipas Covered Court sa Taguig para sa South Zone.