^

PSN Palaro

TV5 isasa-ere ang SEAG, London Olympics kung...

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines- Kung hindi magkakaroon ng aberya, maaaring mapanood ang husay ng atletang Pilipino na lalaro sa 26th South East Asian Games at sa 2012 London Olympics.

Ang TV5 ang siyang nag­babalak na ipalabas ang mga malalaking kompetisyong ito sa kanilang IBC-13 na kung saan ga­gawin nila ang nasabing network bilang isang sports channel sa bansa na makikilala bilang AKTV.

Sa pulong pambalitaan na ginanap nitong Huwebes ng gabi sa National Sports Grill sa Greenbelt sa Makati City, inihayag ni Vito Lazatin na bukas sila sa ideyang ipalabas ang aksyon sa SEA Games.

“It’s something we’re studying now and we’re interested in doing,” wika ni Lazatin na siyang sports manager ng TV5.

Maliban sa TV5 ay nag­babalak din ang ABS-CBN gamit ang Studio 23 na makuha ang rights ng SEAG dahil sa pagiging ta­gasuporta sa Azkals sa football.

“We have no idea if there are other interested in the SEA Games. But it’s a perfect fit to what we really want that to feature Filipino athletes to the entire nation,” dagdag pa ng opisyal.

Ang London Olympics ay gagawin sa susunod na taon pero ngayon pa lamang ay gumagawa na ng paraan ang network para makuha ang rights sa isang istasyon.

“We know that the Lon­don Olympics rights is owned by somebody and we are now exploring ways to acquire it,” pahayag pa ni Lazatin.

Sa Hunyo 5 pa pormal na ilulunsad ang AKTV pe­ro unang larong mapa­panood ay ang FIBA Asia Champions Cup na bubuksan sa Mayo 28 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang Smart Gilas ang siyang kakatawan sa Pilipinas sa ligang lalahukan ng 10 koponan at ang mga laro ay maipapalabas ng live sa IBC-13.

Ang iba pang mapapanood sa sports network ng TV5 ay ang Wimbledon Open at Australian Open, mga laro sa Badminton World Federation Gran Prix at Mixed Martial Arts na Pacific X-Treme Combat.

Katatampukan naman ng paglulunsad sa Mall Of Asia sa Pasay City ay ang pagdaraos ng fun run sa 3k, 5k, 10k at 21k na kung saan sinisipat ng organizers ang 10,000 mananakbo ang makikiIsa sa pa­takbo.

ANG LONDON OLYMPICS

ANG SMART GILAS

ASIA CHAMPIONS CUP

AUSTRALIAN OPEN

BADMINTON WORLD FEDERATION GRAN PRIX

LAZATIN

LONDON OLYMPICS

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with