^

PSN Palaro

Liderato nasolo na ng QC

-

MANILA, Philippines - Naghatid ng 18 puntos si John Villarosa habang 11 naman ang ibinigay ni Nico Estrella para gabayan ang Quezon City sa kani­lang ikalimang panalo sa pamamagitan ng 73-66 tagumpay sa Marikina sa pagpapatuloy ng second round ng Inter-City phase ng 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship nitong Martes.

Dahil dito ay solo na nga­yon ang Quezon City sa unahan sa hangaring ma­ging kinatawan ng East sa Inter-Zonal na siyang magde­desisyon kung sino ang lalabas na NCR champion at magbubulsa ng P250,000 unang gantimpala.

Natalo naman ang mga dating walang dungis na Mandaluyong, Pasay at Antipolo sa iba pang laro.

Sina Angelo Galinato at Vincent Huit ay mayroong 19 at 18 puntos para sa San Juan na nalusutan ang Mandaluyong, 77-75 habang may 24 puntos naman si Alvin Olegario para pangunahan ang 77-75 tagumpay ng Binangonan sa Antipolo.

May 95-93 dikit na panalo rin ang Las Piñas sa Pasay upang lasapin ng mga natalong koponan ang unang kabiguan matapos ang apat na sunod na panalo.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Pasig sa Pateros, 106-38 at nalusutan ng Malabon ang Caloocan, 85-77 sa overtime.

vuukle comment

ALVIN OLEGARIO

COCA-COLA HOOPLA

JOHN VILLAROSA

LAS PI

MANDALUYONG

NICO ESTRELLA

PASAY

QUEZON CITY

SAN JUAN

SINA ANGELO GALINATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with