MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang mga local at international cyclists para sa P5 milyong premyong nakataya sa eight-stage Tour of CamSur 2011 na magsisimula sa Mayo 21).
Ang Tour of CamSur, isang brainchild ni Camsur Gov. Larry Villafuerte, ay papadyak sa SM Mall of Asia patungo sa isang 1,000-kilometer, point-to-point race mula sa coastline ng Southern Luzon papunta sa Camsur Watersports Complex sa Mayo 29.
Sinabi ni Villafuerte na bukod sa malaking premyo ay maitatampok rin ang ilang lugar sa Southern Luzon bilang tourist hotspots.
Sa unang pagkakataon sa 13-year history, maglalakbay ang mga siklista mula sa Maynila hanggang sa mga Southern Luzon regions ng Lipa, Batangas, Lucena, Calauag, Daet, Sipocot, Naga, Pili, Iriga, Ligao, at Tabaco bago ang finish line sa CWC.
Nakipagtulungan ang mga organizers sa mga provincial officials sa pangunguna nina Governors Vilma Santos ng Batangas, Jayjay Suarez ng Quezon at Egay Tallado ng Camarines Norte.
Para sa iba pang impormasyon ay mag-log sa www.philippinecyclingnews.com at sa www.camsur.com.
Ang Tour of Camsur ay inihahandog ng provincial government ng Camarines Sur at suportado ng provincial government ng Batangas, Quezon, SM Mall of Asia, SM City Lipa, SM City Batangas, SM City Lucena, SM City Naga kasama ang mga major sponsors na Garmin, Gerry’s Grill, Toyota, Vista Land at Schick at mga minor sponsors na Energizer, Banana Boat, and event partners PhilCycling at Philippine National Red Cross.