^

PSN Palaro

Gilas vs Saudi sa opening game ng Champion's Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makakalaban agad ng Smart Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia sa pagbubukas ng 22nd FIBA Asia Champions Cup sa Mayo 28 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang Saudis ay kaka­tawanin ng Al Ittihad at ipa­parada ang dating Gilas import CJ Giles bilang isang import habang ang coach na si Nenad Krdiic ay dating assistant coach ni Serbian coach at Gilas coach Rajko Toroman sa Serbia sampung taon na ang nakalipas.

Nasa Group B ang host country at sunod nilang laro ay ang WKL Dragons ng Malaysia sa Mayo 29, Duhok ng Iraq sa Mayo 31 at ASU ng Jordan sa Hunyo 1.

Alam ni Toroman na ma­hirap na laban ang laro ng Gilas sa Saudi Arabia dahil nga kina Krdiic at Gi­les na naglaro na rin sa Lebanon sa Doha noong nakaraang taon pero hindi na kinuha uli para lumipat naman sa Saudi.

Mas mabigat naman ang labanan sa Group B dahil naririto ang mga ma­lalakas na koponan sa pangunguna ng three-time defending champion I.R. Iran-Mahram, Lebanon-Al Riyadi, Qatar-Al Rayyan, Syria-Al Jala’a at UAE-Al Shabab.

Ang mangungunang apat na koponan sa bawat grupo ang aabante sa crossover knockout quarterfinals upang madetermina ang mga maglaro sa semifinals.

Hanap ni Toroman na makapasok ang koponan sa semifinals lalo nga’t maganda ang ipinakita ng Gilas sa PBA Commissio­ner’s Cup gamit ang na­turalized player Marcus Douthit.

Lalakas pa ang kopo­nan dahil lalaro rin ang PBA reinforcements Paul Asi Taulava at Dondon Hon­tiveros.

Ang paglahok ng Gilas sa torneong ito ay bahagi rin ng kanilang paghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship sa Wuhan China na kung saan ang magkakampeon dito ang magiging kinatawan ng rehiyon sa London Olympics sa 2012.

AL ITTIHAD

AL SHABAB

ANG SAUDIS

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA MEN

DONDON HON

GROUP B

LEBANON-AL RIYADI

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with