MANILA, Philippines - Nangako si Phil Younghusband, ang popular na Azkals striker na bumabangon mula sa kanyang injury at aktibo sa mga off-field activities, namagiging “match-ready” siya sa pagharap ng koponan sa Sri Lanka para sa 2014 Fifa World Cup Asian Qualifiers sa Hunyo.
“I’m slowly getting back into it,” wika ng Fil-British striker sa training session ng Azkals sa Rizal Memorial pitch.
Hindi nakalaro si Younghusband sa group stages ng nakaraang Asian Challenge Cup qualifiers noong Marso matapos magkaroon ng torn hamstring sa playoff match ng Azkals kontra Mongolia sa Ulan Bator.
Matapos ang rehabilitasyon at pagpapagamot, nakabalik na sa aksyon ang striker.
Sa katunayan ay naglaro pa siya para sa San Beda sa PFF Smart Club Championships Luzon Regionals nitong buwan.
“Fitness-wise, I’m okay, but not yet match sharp. In terms of general fitness, maybe I’m 90 percent now but it’s the match sharpness that I still have to work on,” wika ng 24-anyos na forward.
Tiniyak rin ni Younghusband na magiging handa siya sa pagbiyahe ng Azkals sa Colombo para sa first leg sa Hunyo 29 at sa pamamahala laban sa Sri Lanka sa Rizal sa Hulyo 3.
“I’ll be ready by June, provided of course I won’t incur any more injury,” he said.
Habang nagpapagaling ng kanyang injury, naging aktibo ang striker sa kanilang Younghusbands Football Academy ng kanyang kapatid na si James.
“Everyone else still have jobs and commitments same as me. But everytime there’s an Azkals match, we make it our priority. It’s really all about scheduling,” wika nito.