Max dinurog ang FCA, NLEX solo na sa Group A
MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 29 puntos ang Max Bond Super Glue upang trangkuhan ang dominasyon sa FCA Cultivators tungo sa 93-83 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym sa Pasig City.
May 12 sa nangungunang 21 puntos si Leimar Navarro sa ikatlong yugto upang kunin ng Sumos ang 69-41 kalamangan matapos ang tatlong yugto.
Kontrolado naman ng Max Bond ang laban at ang pinakamalaking kalamangan ay nasa 30 puntos, 71-41, sa layup ni Jeric Fortuna.
May 17 puntos si Reil Cervantes habang 16 naman ang ibinigay ni Rudy Lingganay para ibigay sa Sumos, na naglaro ng wala ang forward na si Jun Jun Cabatu at coach Alfredo Jarencio dahil sa one game suspension, ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa Group B.
Tinapos ng Sumos ang classification round taglay ang 4-2 karta at makukuha pa nila ang ikalawang awtomatikong puwesto sa quarterfinals kung mananalo ang Cebuana Lhuillier (4-1) sa Cobra Energy Drink (4-1) sa kanilang laro sa Martes.
Inangkin naman ng NLEX ang unang puwesto sa Group A nang kunin ang ikalimang panalo sa anim na laro sa 85-81 tagumpay sa Freego Jeans sa ikalawang laro.
Humatak ng tres si Eric Salamat at naghatid pa ng isang free throws para bigyan ng 82-80 kalamangan ang Road Warriors may 26 segundo sa orasan.
Max! Bond Super Glue 93 - Navarro 21, Cervantes 17, Lingganay 16, Hugnatan 8, Fortuna 7, Bustos 6, Bautista 6, Teng 5, Camus 4, Afuang 2, Benitez 1, Cuan 0.
FCA Cultivators 83--Mallari 23, Reyes 13, Co 8, Maconocido 8, Gerilla 7, Pascual 6, Bulawan 6, Cole 5, Canlas 4, Custodio 3.
Quarterscores: 26-16, 43-25, 69-41, 93-83
NLEX 85 - Abueva 20, Salamat 19, Hodge 11, Ellis 9, Raymundo 6,n Sangalang 6, Pascual 6, Dehesa 2, Belencion 2, Co 2, Tesoro 2, Menor 0.
Freego Jeans 81 - Cabrera 21, Camson 16, Nuyles 15, Alvarez 10, Colina 9, Canada 3, Namocatcat 3, Galinato 2, Lozada 2, Morillo 0.
Quarterscores: 13-20, 38-41, 64-60, 85-81.
- Latest
- Trending