Top spot sisipatin ng NLEX; Jarencio, Trillo suspendido
MANILA, Philippines - Matapos maselyuhan ang awtomatikong puwesto sa quarterfinals, winning momentum na lamang ang hahangarin ng NLEX sa pagharap nito sa Freego Jeans sa 2011 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Pasig City.
Haharapin ng Road Warriors ang Freego Jeans sa unang tagisan sa ganap na alas-2 ng hapon at ang panalong makukuha ay magtutulak sa koponan na maging No. 1 team sa Group A.
May 4-1 karta ang tropa ni coach Boyet Fernandez, samantalang okupado ng PC Gilmore (4-2) ang posisyon sa quarterfinals matapos kunin ang unang ikalawang puwesto sa kanilang grupo.
Hindi nakaporma ang Sumos sa Cebuana Lhuillier sa kanilang laro, 58-73, habang ang Cultivators ay dumanas ng masakit na 70-71 pagkatalo sa Cobra Energy Drink.
Samantala, sinuspinde naman ni PBA Commissioner Chito Salud sina coaches Pido Jarencio ng Max! Bond Super Glue at Luigi Trillo ng Cebuana-Lhuillier ng tig-isang laro dahil sa bench-clearing incident noong Huwebes.
KabuuangP64,500 multa ang ipinataw sa mga sangkot kasama sina Junjun Cabatu ng Max! Bond at Ariel Mepana ng Cebuana-Luhillier.
- Latest
- Trending