Shakey's V-League crown pipiliting kunin ng Lady Eagles kontra Lady Falcons sa Game 2

MANILA, Philippines - Sungkitin ang kauna-unahang titulo sa Shakey’s V-League ang nakataya sa Ateneo sa pagbangga uli sa Adamson sa Game Two ng 8th season first confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda ngayong alas-4 ng hapon at ang Lady Eagles ay sasandal sa kinuhang 23-25, 25-18, 25-20, 25-20 pa­nalo sa Lady Falcons sa Game One nitong Linggo.

“Hindi pa tapos dahil may Game Two pa. Ga­ga­wa pa kami ng minor ad­justments lalo na sa aming receptions,” wika ni rookie Ateneo coach Charo Soriano.

Kung papalarin, mawa­wakasan rin ng Ateneo ang mahabang taon na kawalan ng titulo sa wo­men’s volleyball.

Huling nanalo ang Lady Eagles sa women’s volleyball noon pang 1976-77 sa NCAA.

Sina Thai import Kesinee Lit­hawat, Allysa Valdez at Fille Cainglet na gumawa nang husto sa Game One ang sasandalan uli para mawalis ang Lady Falcons.

Si Lithawat ay mayro­ong 24 hits mula sa 16 kills at 7 blocks, habang 20 at 17 attack points naman ang ginawa nina Cainglet at Valdez.

Isa pang mahalagang player na dapat pa rin kuminang ay ang setter na si Ja­menea Ferrer na siyang nag­patakbo sa opensa ng ko­ponan at nanguna sa mga quick net plays na hin­di napaghandaan ng La­dy Falcons.

Hindi naman basta-basta mag­papatalo ang Adam­son na planong ma­kuha ang ikalawang sunod na kampeonato sa ligang su­portado rin ng Accel at Mikasa.

“Hindi naman ako na­wawalan ng pag-asa at na­niniwala pa ring mananalo ka­mi sa series na ito,” wika ni coach Dulce Pante.

Sa mga kamay nina two-time MVP Nerissa Bautista, An­gela Benting at Pau Soriano aasa ang La­dy Falcons na dapat ring ba­wasan ang mga reception at blocking errors na na­kita sa Game One.

Ngunit makakatulong sa kampanya ng koponan na maitabla ang serye at mai­hirit ang deciding Game Three kung mababa­wasan nila ang re­ception at blocking errors.

Show comments