^

PSN Palaro

See iginupo si Fu para sa World 10-Ball Title

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos sina Mika Immonen at Darren Appleton, si Huidji See ng the Netherlands ang naging pangatlong European na tinanghal na world 10-ball champion.

Ito ay matapos talunin ng 30-anyos na Dutchman si Chinese Fu Jianbo, 11-8, sa kanilang finals match para sa 2011 World 10-Ball Championship kahapon sa World Trade Center sa Pasay City.

Ibinulsa ni See ang premyong $60,000, habang $30,000 naman ang napunta kay Fu.

Bago igupo si Fu, pina­yukod muna ni See si Tony Drago ng Malta, 9-4, sa quarterfinals noong Sabado ng gabi at pinatalsik si Yukio Akakariyama ng Japan, 9-6, sa semifinals kahapon ng umaga.

Umagaw ng eksena si See, isang Chinese na isinilang sa Holland, nang silatin niya si double world champion Ralf Souquet ng Germany sa double elimination group stage match.

At mula rito ay lumakas na ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

“From there, I was able to gain confidence. I tried not to think about anything because every time you think about how you play well, then you’ll start not playing well,” sabi ni See, naging inspirasyon si Filipino pool legend Efren “Bata” Reyes.

Si See ang naging pangatlong European cue master na nanalo sa world 10-ball matapos sina Immonen ng Finland noong 2009 at si Appleton ng Great Britain noong 2008.

Wala namang naitakdang world 10-ball noong nakaraang taon.

Nauna rito, tinalo muna ni Biado si World 8-Ball champion Dennis Orcollo, 9-2, sa Last 8 ma­ta­pos biguin sina double world champion Ronnie Alcano, 9-1, sa Last 32 at si dating World 9-Ball champion Daryl Peach ng Great Bri­tain, 9-7, sa Last 16 .

Natigil lamang ang arangkada ng 27-anyos na dating caddie sa Villamor Golf Club nang matalo kay Fu, 5-9, sa kanilang semifinals match.

Aminado si Biado na nakaramdam siya ng nerbiyos sa kanyang pagpasok sa semis.

“Nakaramdam rin ako ng nerbiyos talaga kasi ngayon lang ako nakara­ting sa ganitong sitwasyon,” wika ng tubong La Union. “Kaya naisablay ko agad ‘yung 10 sa umpisa pa lang.”

Hindi rin nakatulog si Biado bago sagupain si Fu.

“Hindi ako nakatulog sa excitement. Kagabi (Sabado) pa lang iniisip ko na agad ‘yung makakalaban ko kung paano ‘yung maglaro sa ganitong sitwasyon,” ani Biado.

Tumanggap si Biado ng $15,000.

BALL CHAMPIONSHIP

BIADO

CHINESE FU JIANBO

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

GREAT BRI

GREAT BRITAIN

HUIDJI SEE

LA UNION

WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with