^

PSN Palaro

3 Pinoy na lang ang natitira

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Patuloy ang paghaha­ngad nina Dennis Orcollo, Carlo Biado at Lee Van Cor­teza sa kampeonato sa World Ten Ball Championships nang umukit ang mga ito ng panalo sa Last 32 ka­hapon sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinawi ni Orcollo ang 4-7 iskor at kinapitalisa ang naisablay na one-ball ni Karl Boyes ng Great Britain para sa 9-7 panalo.

Gumuho na ang laro ni Boyes dahil sumablay din siya sa 1-10 kombinasyon at nag-scratch pa sa 14th rack upang maitabla ng World 8-Ball champion ang labanan sa 7-7.

Sablay uli si Boyes, da­ting World 8-ball champion, sa 2-7 combo sa 15th rack upang makatikim ng kala­mangan sa unang pagka­kataon si Orcollo bago tinapos ang laban sa 16th rack na kinatampukan ng pabandang tira sa 3-ball.

Si Biado naman ay di­no­mina ang kababayang si Ronnie Alcano sa 9-1 iskor habang si Corteza ay pinagpahinga na si Han Hao Xiang ng China, 9-4.

Minalas naman si Jundel Mazon sa laro nila ni Park Shin Yong ng Korea nang makawala pa ang 8-7 kalamangan para lasapin ang 9-8 masakit na kabiguan.

Dahil dito, tatlong Pinoy na lamang ang sasandalan papasok sa Last 16 na kung saan kalaro ni Orcollo si Wu Jiaqing ng China; si Biado ay masusukat kay Daryl Peach ng Great Britain at si Corteza ay masusubok kay Li Hewen ng China.

Si Wu, na dating pamba­tong manlalaro ng Chinese Taipei bago lumipat ng China ay nanalo kay Li Wen Lo ng Japan, 9-8; si Peach ay lumusot kay Shane Van Boening ng US, 9-6; at si Li ay nangibabaw kay Nick Van Den Berg ng Netherlands, 9-6.

Wala na rin sa labanan para sa titulo si dating World 9-ball champion Darren Ap­pleton nang masilat siya kay Tamoo Takano ng Japan, 9-5.

Gaya ng Pilipinas, ang China ay mayroong tatlong manlalarong buhay pa habang dalawa naman ang sa Japan.

CARLO BIADO

CHINESE TAIPEI

CORTEZA

DARREN AP

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

GREAT BRITAIN

HAN HAO XIANG

ORCOLLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with