^

PSN Palaro

Gems diniskaril ang Sumos, sa quarters na

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Binulaga agad ng Cebuana Lhuillier ang Max Bond Super Glue ng kani­lang larong pisikal upang masira ang diskarte ng huli tungo sa 73-58 panalo at makuha ang ikalawang aw­tomatikong quarterfinals seat sa Group B sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Trinity University Gym.

Napatalsik sa laro ang mga players na sina Ariel Mepana at Jun Jun Cabatu bunga ng flagrant foul 2 habang sina coaches Luigi Trillo ng Gems at Alfredo Jarencio ng Sumos ay na­wala rin nang magkapormahan na lahat ay nangyari sa second period.

Nang magbalik sa ak­syon ang laro, nagpatuloy ang dominasyon ng mas be­teranong Cebuana Lhuillier upang mahawakan ang 41-28 bentahe sa half time bagay na hindi na nahabol pa ng mas batang Sumos.

Ang panalo ay ikaapat sa limang laro ng Gems upang makasama nila ang Cobra Energy Drink (4-1) na nakausad na sa quarterfinal round ng torneo.

Nakatikim naman na ng panalo ang Cafe France nang malusutan nila ang Junior Powerade, 85-83, sa unang laro.

Ang tagumpay ay tuma­pos sa apat na sunod na ka­biguan ng Scorpions at magsisilbing motibasyon sa muling pakikipagtuos sa Tigers sa Mayo 24 para madetermina kung sino sa dalawa ang aabante sa Playoffs.

ALFREDO JARENCIO

ARIEL MEPANA

CAFE FRANCE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP B

JUN JUN CABATU

JUNIOR POWERADE

LUIGI TRILLO

MAX BOND SUPER GLUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with