^

PSN Palaro

Gabica, Biado nagpayanig sa WTBC

- Ni Russell Cadayona -

Manila, Philippines - Isang billiards coach sa Qatar at isang dating caddy sa golf ang umiskor ng magkakahiwalay na panalo para pangunahan ang tatlo pang Pinoy sa pagmartsa sa round-of-64 sa ikatlong araw ng 2011 WPA World Ten Ball Championship kahapon sa World Trade Center.  

Pinayukod ng 2006 Do­ha Asian Games doubles gold medalist na si Antonio Gabica si Li Hewen ng China, 9-7, samantalang giniba ni Carlo Biado ang kababayang si Antonio Li­ning, 9-6.

“Inabot rin ako ng pressure. Nu’ng sumablay siya sa No. 2 at 8 ball bumigay na rin siya (Li),” wika ng 38-anyos na si Gabica, na­k­a­t­akdang bumalik sa Qatar sa Mayo 21 kung saan siya nagtatrabaho bilang isang coach. “Kung hanggang saan ako aabot masaya na ako kasi maraming magaga­ling eh.”

Makakalaban ni Gabica sa round-of-64 si Liu Hai Tao ng China na nagposte ng 9-8 tagumpay kay Raj Hundal ng Great Britain.

Ang mga sablay na tira­da ni Lining sa break ang nagbigay sa 27-anyos na si Biado, dating caddy sa golf, ng pagkakataon upang matumbok ang kanyang ikalawang sunod na panalo.

“Sabi ko sa sarili ko, kahit sino ang manalo sa amin Pinoy pa rin ang siguradong makakalaro sa round of 64,” ani Biado matapos ang kanyang panalo kay Lining.

Nanaig rin sa kani-kani­lang mga laban ay sina Jeri­cho Banares, Marvin Tapia at Demosthenes Pulpul.

Ginitla ni Tapia ang kaba­bayang si Ruben Cuna, 9-5, samantalang binigo ni Banares ang kapwa Pi­noy na si Joven Alba, 9-8, at sinorpresa ni Pulpul si Chang Jung Lin ng China, 9-5, sa losers’ bracket patu­ngo sa money round.

Bukod kina Lining, Alba at Cuna, natalo rin sa kani-kanilang mga laban ang 17-anyos na si Jonas Magpantay kay Carlos Cabello ng Spain, 4-9, Mario Tolentino kay Johnny Archer ng United States, 2-9, at Edgar Acaba kay Ping Chun Ko ng Chinese-Taipei, 8-9. 

Nauna nang pumasok sa round-of-64 sina Ronato Alcano, Dennis Orcollo, Venancio Tanio, Jeffrey De Luna at Roberto Gomez.

Makakatagpo ng 39-an­yos na pambato ng Calamba, Laguna na si Alcano si Karlo Dalmatin ng Croatia, habang tatapatan ni Orcollo, ang gold medalist sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, si Chinese Wu Jiaqing sa round-of-64.

ANTONIO GABICA

ANTONIO LI

ASIAN GAMES

BANARES

BIADO

CARLO BIADO

CARLOS CABELLO

CHANG JUNG LIN

CHINESE WU JIAQING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with