^

PSN Palaro

Alcano, Orcollo umusad

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Inangkin ng nagdedepensang si Mika Immonen ng Finland ang unang tiket sa round-of-64, habang pa­tuloy naman ang ratsada ng mga beteranong sina Ro­nato Alcano at Dennis Orcollo sa ikalawang araw 2011 WPA World Ten Ball Championship kahapon sa World Trade Center. 

Tinalo ni Alcano si Toh Lian Han ng Singapore, 9-6, samantalang binigo na­man ni Orcollo si Max Eberle ng United States, 9-2, upang umabante sa round-of-64.

“Malaking relief na naka­pasok na ako sa round-of-64 kasi doon mo na talaga ilalabas lahat ng nalalaman mo eh,” sabi ng 39-anyos na si Alcano na sasagupa naman kay Karlo Dalmatin ng Croatia na tumalo kay Han Hao Xiang ng China, 9-5.

Nagposte naman si Orcollo ng malaking 8-0 lamang bago nakasingit si Eberle sa sumunod na dalawang racks.

Makakatapat ni Orcollo, ang gold medalist sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, si Chinese Wu Jiaqing na nagpayukod naman sa 17-anyos na si Jonas Magpantay, 3-9, sa round-of-64.

Si Immonen, napatalsik sa round-of-32 ng naka­raang Philippine Open Pool Championship, ang ka­una-unahang nagbulsa ng tiket sa money round nang talunin si Filipino bet Ruben Cuna, 9-3, sa panig ng mga banyaga.

Ang defending champion ay sinundan naman nina dating world champion Thomas Engert ng Germany at double world champion Wu Jia Qing ng China na nagposte ng 9-6 panalo kay Francis Diaz-Pizzaro ng Spain at 9-4 tagumpay kay Magpantay, ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ni Immo­nen si Stephan Cohen ng France na nagpayukod kay Alok Kumar ng India, 9-4, habang makakatipan ni Engert, dating World Straight Ball at World 9-Ball titlists, si Artem Koschovy ng Ukraine, gumiba kay Filipino pride Antonio Li­ning, 9-5.

Sasagupain naman ni Wu si Orcollo.

ALCANO

ALOK KUMAR

ANTONIO LI

ARTEM KOSCHOVY

ASIAN GAMES

CHINESE WU JIAQING

DENNIS ORCOLLO

FRANCIS DIAZ-PIZZARO

HAN HAO XIANG

ORCOLLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with