^

PSN Palaro

Parañaque dinurog ng Muntinlupa sa 2nd Coca-Cola Hoopla

-

MANILA, Philippines - Magarang panimula sa home and away Inter-City phase ng 2nd Coca Cola Hoopla NCR Champion­ship, ang ginawa ng nag­de­depensang Muntinlupa nang durugin nila ang Pa­rañaque, 98-71 kamakalawa.

Sa Area 1 sa Paraña­que isinagawa ang labanan pero hindi nakaporma ang home team dahil sa 18 pun­tos ni Karl Salvador at 15 pa ni Kevin Buenaflor at ang bisitang koponan ay agad na lumayo sa 40-27 sa first half para sa matibay na puhunan.

Sa iba pang laro, nanalo ang Binangonan sa Taytay, 81-80; ang Navotas ay umukit ng 91-77 panalo sa Ca­lo­o­can; ang Quezon City ay may 129-88 tagumpay sa Pateros; ang Pasig lusot sa Marikina, 105-101; nanalo ang Malabon, 90-76 sa Valenzuela at Mandaluyong ay lusot sa Makati sa overtime, 97-95.         

Tumayong bida para sa Binangonan ay si Russell Maybituin nang maipasok ang ala-tsambang 50-foot shot para mailusot ang isang puntos na tagumpay.

May 23 puntos naman si Jake Pond Davao para pangunahan ang Navotas ni Mayor John Rey Tiangco na nanaood ng laban.

Lamang ang Caloocan, 70-69, pero tinapos ng Na­votas ang laro gamit ang 22-7 run.

BINANGONAN

COCA COLA HOOPLA

JAKE POND DAVAO

KARL SALVADOR

KEVIN BUENAFLOR

MAYOR JOHN REY TIANGCO

NAVOTAS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with