Sports scribes, kampeon muli sa SMB beer drinking
MANILA, Philippines - Nagwagi muli ang mga sportswriters ng NCR media edition title sa pangatlong sunod na taon ng San Miguel Beer National Beer Drinking Contest na ginanap sa Bagaberde Grill and Bar sa Pasay City.
Sina Snow Badua ng NBN-4, Marc Reyes ng Philippine Daily Inquirer, Jun Lomibao at Aldrin Quinto ng Business Mirror at Waylon Galvez ng Manila Bulletin ay nagtala ng oras na one minute at 27 seconds, tatlong segundo na mas mabilis sa grupo ng mga taga Inquirer na sina Ted Melendres, Ernie Gonzales at Francis Ochoa na nakasama ang taga Malaya na si Noli Cortez at Tina Maralit ng Manila Bulletin. Sina Melendres, Maralit at Cortez ay kasama sa champion team noong nakaraang taon.
Ang Team Lifestyle Manila Bulletin nina Owen Bautista, Dennis Dayao, Christian Santos, Ali Vicoy at Noel Pabalate ang pumangatlo sa kanilang oras na isang minuto at 32 segundo.
Ang pinakamabilis na uminom sa mga lalaki ay si Celso Quijano ng Manila Bulletin at sa babae naman ay si Becky Rodriguez ng Police Files.
Ang mga judge ay mga opisyal ng San Miguel Brewery Inc. na sina Kosuke Nagasato, Alvin Patrimonio, Pido Jarencio at Peter Martin. Ang nag-award ng mga premyo ay mga San Miguel Brewery, Inc. officials sa pangunguna ni National Sales Manager Debbie D. Namalata.
Ang media edition ay gagawin rin sa Angeles, Legazpi, Bacolod, Cebu, Cagayan de Oro at Davao City.
- Latest
- Trending