NEW YORK - Pinangunahan ni Orlando Magic center Dwight Howard, nanalo ng huling Kia NBA Defensive Player of the Year Award, ang NBA All-Defensive First Team, ayon sa pahayag ng NBA.
Si Howard ay may kabuuang 56 points overall, kabilang ang 27 First Team votes.
Napili din sa All-Defensive First Team sina guard Rajon Rondo ng Boston Celtics (39 points), forward LeBron James ng Miami Heat (38 points), forward Kevin Garnett ng Boston Celtics (33 points), at guard Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers (33 points).
Ito ang ika-siyam na All-Defensive First Team honors para kina Garnett at Bryant para parisan sina Michael Jordan at Gary Payton sa NBA history.
Sa pagkopo ni Howard ng 2010-11 Kia NBA Defensive Player of the Year Award, siya ang unang player na nanalo nito sa tatlong sunod na seasons.
Nanguna siya sa liga sa kanyang 66 double-doubles, pangalawa sa rebounds (14.1 rpg) at ikaapat sa blocks (2.38 bpg). Nagtala siya ng at least 1,000 rebounds at 100 blocked shots sa ikaanim na sunod na taon.