PFF gagamitin ang Suzuki U-23 Cup sa paghahanap ng manlalaro para sa SEAG
MANILA, Philippines - Gagamitin ng Philippine Football Federation (PFF) ang idinadaos na PFF Suzuki U-23 National Cup para makakita ng mga manlalarong magagamit sa South East Asia Games sa Indonesia sa Nobyembre.
Nais ng PFF na makabuo ng 30 manlalaro sa pool na kung saan kukunin ang regular team na maghahangad na bigyan ng kauna-unahang medalya ang Pilipinas sa larangan ng football sa South East Asia.
Kailangang bumuo ng pool dahil iilan lamang ang puwedeng maglaro sa SEA Games mula sa Azkals dahil U-23 ang kompetisyon sa Indonesia.
“Ang mga coaches ay nanonood ng mga laro sa U-23 National Cup upang makita kung sino ang may mga potensyal, Planong bumuo ng 30 manlalaro sa pool para mapalakas ang selection para sa national team,”: wika ni PFF secretary-general Chito Manuel nang dumalo sa PSA Forum kasama ni Eileen Esteban na PR Manager ng Suzuki Philippines.
Walong koponan ang naglalaban-laban sa Suzuki Cup at ang Iloilo, Davao, Laguna at NCR-A na nasa Group A sa UPLB field sa Laguna habang ang Bacolod, Masbate, NCR at Dipolog ang nasa Group B at maglalaro sa Panaad Stadium sa Bacolod.
Ang semis ay gagawin sa Mayo 15 at 16 at Barotac Nuevo sa Iloilo.
Sina goalkeeper Neil Etheridge, Jason De Jong at Christopher Camcam ang mga Azkals na puwede pang makalaro sa U-23 habang ang ilang manlalaro na maaaring kunin mula sa National Cup ay sina Joshua Belayo, Jovin Bedic at Aldrin Dolino ng Bacolod at Patrick Deyto ng NCR.
- Latest
- Trending