Tiyo ni Floyd inatake uli si Pacman
MANILA, Philippines - Wala nang gagawin ang kampo ng mga Mayweather kundi ang hanapan ng butas ang bawat laban ni Manny Pacquiao.
Muling binatikos ni Jeff Mayweather, tiyuhin ng walang talong si Floyd, ang laban ni Pacquiao kay Shane Mosley na kung saan umukit ang Pambansang kamao ng one-sided unanimous decision panalo nitong Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Ipinunto man na si Pacquiao ang siyang umatake ng umatake sa kabuuan ng labanan, itinuro naman nito na isang one-dimensional fighter lamang ang Pambansang kamao at hindi umano napatulog ang mas may edad na kalaban.
“Manny took chances but more or less he exposed himself. He’s so one-dimensional it’s ridiculous. And when he got really aggressive, he threw a hook, left-hand, hook, left hand. Nothing else,” wika ni Mayweather sa Boxing Examiner.
Dahil sa nakita ay inulit nito ang paniniwalang hindi mananalo ang kasalukuyang pound for pound king sa kanyang pamangkin.
“Believe me, if Pacquiao fights like that he has no chance at all. Zero chance. With the speed and timing that Floyd has, and the defense that he has, if he couldn’t hit Mosley, he sure ain’t going to hit Floyd, so I see an easy fight for Floyd,” dagdag pa ng matandang Mayweather.
Hanggang salita lamang ang puwedeng gawin ng kampo ni Mayweather dahil hindi pa malinaw kung papayag ba o hindi si Floyd na labanan si Pacquiao.
Ilang taon na ring binalak na selyuhan ang pagkikita ng dalawa pero palaging may katuwiran si Mayweather upang maudlot ang usapin.
Si Pacquiao ay naghanap na ng ibang makakaharap at si Mexican champion Juan Manuel Marquez ang siyang sunod niyang laban sa Nobyembre para makumpleto ang trilogy ng dalawa.
- Latest
- Trending