MANILA, Philippines - Bubuksan ng nagdedepensang kampeon na Muntinlupa ang hangaring ikalawang sunod na titulo sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship bukas sa pagharap sa Taguig.
Ang laro ay gagawin sa Muntinlupa Sports Complex at ang makukuhang panalo ay tiyak na magpapataas pa sa morale ng koponan na noong nakaraang taon ay nanalo sa mas pinaborang Pasig tungo sa kampeonato ng torneo.
Ang Inter-City phase ng grassroots tournament na ito na suportado ng Coca Cola ay nagsimula na kahapon sa 10 magkakaibang lugar.
Ang iba pang mga laro ay Quezon City at Marikina (6pm) ng gabi sa Libis Covered Court; Pateros at Pasig (6pm) ng gabi sa Aguho Covered Court; Valenzuela at Navotas (6pm)sa St. Jude Malinta; Malabon at Caloocan (7pm) sa Hulong Duhat Covered Court; Las Piñas at Parañaque (7pm) ng gabi sa Aldana Gym; Cainta at Taytay (6pm) sa San Roque; Antipolo at Binangonan (6pm) sa San Jose; Manila at Makati (6pm) sa Brgy 116 Zone 9 Covered Court; at Mandaluyong at San Juan (5pm) ng hapon sa Mandaluyong City Gym.