Mayol nagwagi sa Mexican boxer

MANILA, Philippines - Umagaw ng eksena si dating World Boxing Council (WBC) light flyweight champion Rodel Mayol matapos talunin si Javier Gallo ng Me­xico sa kanilang preliminary bout sa Manny Pac­quiao-Shane Mosley 12-round title fight kahapon sae MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

Umiskor si Mayol, nasa bakuran ng MP Promotions ni Pacquiao, ng isang ma­jority decision laban sa Tijuana-born na si Gallo.

Nakakuha si Mayol ng 98-92 points kina judges Jerry Roth at Lisa Giampa, samantalang nagbigay naman sa kanya si C.J. Ross ng 95-95.

Itinaas ng 29-anyos na si Mayol ng Mandaue City ang kanyang ring record sa 28-5-2 wins-loss-draw slate kasama ang 21 knockouts.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Mayol matapos maagawan ng kanyang suot na WBC light flyweight crown ni Mexican Omar Niño Romero via decision noong nakaraang taon.

Nalasap naman ni Gallo, nangggaling sa isang split decision win sa kababayang si Jose Luis Araiza, ang kanyang pang apat na kabiguan sa kanyang 22 laban para sa kanyang 17-4-2 (9 KOs) card.

Show comments