Milo BEST Summer Camp dadayo sa Olongapo

MANILA, Philippines - Isang five-day Summer Basketball Clinic ang naka­takdang gawin ng Milo Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Center sa Olongapo City simula bukas sa Barangay New Asinan Covered Court sa Gordon Avenue.

Ang clinic, magsisimula sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, ay bukas sa mga batang may edad na 9-anyos pataas.

Ang entry fee ay P3,000.

Si dating Alaska Milk at San Sebastian College stalwart Francisco “Eton” Navarro at Jerome Maramag ng Marist School, kapwa Milo BEST Center senior coaches, ang mamamahala sa nasabing clinic.

 Para sa mga detalye ay maaaring tumawag kay Mrs. Badeth Navarro sa 09173735362 at 09238835320.

Show comments