^

PSN Palaro

Letran malaki ang tiwala kay Alas sa kanilang kampanya sa NCAA

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Hangad ni Kevin Alas na mapangunahan ang pag­hahabol ng Letran sa NCAA title sa pagsisimula ng liga sa kalagitnaan ng taong ito.

Mataas ang ekspektas­yon sa batang si Alas ma­tapos ang magandang inilalaro sa PBA D-League Foundation Cup suot ang uniporme ng Cebuana Lhui­llier.

Si Alas ay naghahatid ng 14 puntos, 3 rebounds, 3 steals sa apat na laro dahilan ang Gems ay kasalo sa apat na koponang nangu­nguna sa Group B sa liga sa 3-1 karta.

Isa sa natutuwa sa inilalaro ni Alas ay ang kany­ang ama at coach sa Knights na si Louie Alas.

“Determinado ang ba­ta. Gusto niya talagang hu­musay sa paglalaro ng basketball at masaya ako sa ipinakikita niya dahil talagang pursigidong matuto,” pahayag ng nakaka­tandang Alas.

Aminado naman si Ke­vin na marami siyang na­­tututunan habang naglalaro sa D-League na kinatatampukan ng 13 koponan at binubuo ng mga manlalarong pambato sa college leagues bukod pa ng mga ex-pros na nais na makabalik sa PBA.

“Marami akong natutunan sa D-League at alam kong lahat ng ito ay maga­gamit ko kapag nagsimula na ang NCAA,” wika nga ni Alas na isang third year student na kumumuha ng Information Technology.

Kung mayroon pang isang bagay na nais pang pag-ibayuhin ni Alas, ito’y ang nakapaglaro ng mas matinding depensa dahil isa ito sa magiging susi kung nais niyang bigyan ng titulo ang Letran laban sa mga bigating NCAA teams tulad ng nagdedepensang San Beda, San Sebastian at Jose Rizal University.

ALAS

CEBUANA LHUI

D-LEAGUE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP B

INFORMATION TECHNOLOGY

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KEVIN ALAS

LETRAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with