Manila, Philippines - Masusubukan ang husay ng mga top engineering students mula sa walong technical colleges at universities sa Philippine leg ng Bosch Cordless Race sa Mayo 15 sa Boomland Kart Track sa CCP Complex sa Pasay City.
Maglalaban sa karting event ang mga koponan mula sa Letran-Manila, Letran-Calamba, Don Bosco Technical College of Mandaluyong, Mapua, Rizal Technological Institute, Technological Institute of the Philippines, University of the Philippines-Diliman, University of San Carlos ng Cebu at University of Mindanao ng Davao.
Sinabi naman ni William Go, ang country sales director ng Bosch power tools, na maipapakita rin ang lithium ion battery technology ng German power tool pioneer.
Ang bawat koponan ay bubuo at magdidisenyo ng kanilang mga go-karts gamit ang Bosch’s high tech cordless lithium ion power tools at makikipagkarera sa bawat isa.