^

PSN Palaro

Pio del Pilar, Pitogo nagpasikat

-

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang dalawang koponan mula Makati upang katampukan ang aksyon nitong Miyerkules sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Intra-City elimination.

Ang Pio Del Pilar ang unang nagpasikat nang lusutan ang Olympia, 66-64, sa larong napag-iwanan sila ng apat, 45-49, matapos ang tatlong yugto habang ang Pitogo ay humabol mula buhat sa 40-46 iskor matapos ang tatlong yugto para sa 68-62 panalo sa Guadalupe.

Ang Salaban ay nakalusot naman sa Sta. Lucia, 67-66, sa San Juan upang masama sa mga come-from behind na panalo na nailista sa araw na ito.

Sa iba pang laro, dominado ng Wagas ang Kasipagan, 68-54, sa Manila; ang Pasay Youth ay nanalo sa Pasay Warriors, 60-56; dinurog ng Masambong ang Kristong Hari, 102-74, sa Quezon City; Nanalo ang Malinta sa Canumay, 107-101, sa Valenzuela; inilampaso ng Hulong Duhat ang Tinajeros, 129-63, sa Malabon; ang Sta. Ana ay nanaig sa Sto. Rosario, 90-80, sa Pateros; ang Hagdang Bato ay nanalo sa Mauwang, 100-87, sa Mandaluyong; ang Libid ay nagdomina sa Lunsod, 85-57, sa Binangonan at ang Ligid Tipas ay nakaalpas sa North Signal, 79-73, sa Taguig.

Halagang P250,000 ang mapupunta sa NCR champion mula sa P500,000 kabuuang premyo na inilaan ng Coca-Cola sa pangunguna ni JB Baylon, ang PBA Powerade Tigers governor at director ng Public Affairs & Communications ng Coca-Cola Export Corp.

ANG PIO DEL PILAR

ANG SALABAN

COCA-COLA EXPORT CORP

COCA-COLA HOOPLA

HAGDANG BATO

HULONG DUHAT

KRISTONG HARI

LIGID TIPAS

NORTH SIGNAL

PASAY WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with