MANILA, Philippines - Anim na mapalad na boxing fans ang makakasama ni world no. 1 pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao pagkatapos ng kanyang laban kay Sugar Shane Mosley para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight championship.
Bago pa man ang kanyang laban sa darating na Mayo 7 (Mayo 8 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, tinugon na ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang pangarap ng mga fans na makainuman at makakwentuhan si Pacquiao.
Ang naturang promo na pinangalanang “SMB Wala Kang Katulad” ay kauna-unahan dahil kadalasang nakikita lamang si Pacquio sa television, sa mga parade at mga concerts.
“Nothing beats the thrill of spending some time with Manny Pacquiao, a boxing hero, a self-made champion, the Filipino pride. Our consumer promo is one way of further delighting our loyal San Miguel Beer friends. We hope they will be inspired by Manny’s personal stories of hard work, great faith and love for his roots,” wika ni SMB President Roberto N. Huang.
Para makasali sa promo, kailangan lamang panoorin ang Pacquiao-Mosley fight sa alinmang San Miguel Beer’s Viewing Parties sa 160 bars at restaurants sa buong bansa.
Kailangan lamang bumili ng tatlong bote ng alinman sa San Miguel Beer brands (San Miguel Pale Pilsen, San Miguel Premium All-Malt, San Miguel Super Dry, Cerveza Negra, San Mig Strong Ice, Red Horse Beer, San Mig Light at Gold Eagle Beer) sa ka-partner na SMB establishments upang makakuha ng isang raffle stub. Mayroong ring limited edition t-shirts na pirmado ni Pacquiao na ipamimigay.
Para sa iba pang impormasyon, pumunta lamang sa website na www.sanmiguelbeer.com.ph.