^

PSN Palaro

SUBIC triathlon dinomina ng Swiss star

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Matagumpay na na­pag­­harian ni Reto Hug ng Switzerland ang men’s elite sa pagtatapos ng 18th ITU-K-Swiss Subic Bay International Triathlon kahapon sa Subic Bay Freeport.

Hindi inalintana ng 36-an­yos ang mainit na panahon upang ilampaso ang hamon ng dalawang edad 23 anyos na sina Franz Loeschke ng Germany at Artem Parieno ng Russia nang talunin ni Hug ang mga ito sa rematahan sa finish line.

Kumaripas si Hug, lu­ma­hok sa 2000 Sydney, 2004 Athens at 2008 Beijing Olympics, sa huling 50 metro sa run para makuha ang ginto at katampukan ang pagdodomina ng mga European triathletes sa kompetisyong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) ka­tuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at handog ng K-Swiss.

Ito lamang ang ikala­wang karera ni Hug na na­bigyan ng pagkakataon magsanay sa Subic noong 2008 sa isang Training Camp para sa Beijing, sa taong ito at pakay niya na makalikom ng puntos na magreresulta sa posibleng ikaapat na paglalaro sa Olympics sa London.

May 1:54:36 winning time si Hug na mabilis lamang ng dalawang segun­do kay Loeschke habang 1:55:09 naman ang tiyempo ni Parieno.

Binasbasan ng International Triathlon Union (ITU) bukod ng Asian Triathlon Con­federation (ASTC), ang lumabas na pinakamahusay na Pinoy triathlete ay ang 19-anyos na si Nikko Huelgas.

Ang Philippine record holder sa 1:59:44 na gina­wa sa Asian Beach Games sa Oman, Jordan noong na­karaang taon, si Huelgas ay nagtala ng 2:03:29 upang malagay sa ika-22na puwesto sa 43 triathletes na sumali.     

Sina Neil Catiil, John Leerams Chicano at Jonard Saim ang iba pang Pinoy na lumahok at nalagay naman sila sa ika-26th, 33rd at 34th puwesto.

ANG PHILIPPINE

ARTEM PARIENO

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN TRIATHLON CON

BEIJING OLYMPICS

FRANZ LOESCHKE

INTERNATIONAL TRIATHLON UNION

JOHN LEERAMS CHICANO

JONARD SAIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with