Relax muna si Pacquiao
HOLLYWOOD - Anim na sparring rounds ang ginawa ni Manny Pacquiao kina Ray Beltran at Shawn Porter kahapon sa Wild Card Gym.
At matapos nito ay isinuot niya ang kanyang business suit, tumikim ng paborito niyang Thai food at nagmaneho papuntang Melrose District para sa paglulunsad ng kanyang pabangong “MP8”.
Bago ito, naging abala ang Filipino boxing champion sa pagtakbo sa parke malapit sa kanyang La Palazzo apartment.
At matapos namang umalis si Pacquiao, nakipag-usap si chief trainer Freddie Roach sa mga scribe bago niya patayin ang ilaw sa kanyang gym.
Ikinatuwa ni Roach ang naging sparring session ni Pacquiao.
“Manny started out a little loose but then he got into it and the end was great. He really looked good in the end with Shawn Porter,” wika ni Roach.
Bumaba na ang sparring rounds isang linggo bago ang pagharap ni Pacquiao kay Shane Mosley sa Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ngunit hindi nangangahulugan na naghinay-hinay na si Pacquiao.
Matapos ang dalawang rounds kay Beltran, isinunod naman ng Pinoy icon si Porter.
Halos masaktan si Porter mula sa mga pinakawalang suntok ni Pacquiao.
“He hit him with really good shots. But Shawn came right back. I would not say that he almost knocked him out. But he got his attention,” wika ni Roach.
Nag-alok ang celebrated trainer ng $1,000 sa mga sparring partners ni Pacquiao na makakapagpabagsak sa Sarangani Congressman sa training.
At walang naging matagumpay sa mga ito.
Sa katunayan, si Pacquiao pa ang nakakasakit sa kanyang mga sparring partners.
“Manny is a more complete boxer now and technically better in the ring, very unpredictable unlike before when it was all too mechanical,” ani Beltran kay Pacquiao.
“Before, it used to be all punches and aggression. Now, the punches are coming in from all angles, more accurate and they really hurt,” dagdag pa nito.
- Latest
- Trending