Perpetual host sa 87th NCAA season
MANILA, Philippines - Ang University of Perpetual Help-System Dalta ang siyang tatayong host para sa 87th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na bubuksan sa Hulyo 2.
“Perpetual Help is really, sincerely looking forward to the coming 87th NCAA season,” ani NCAA president Anthony Tamayo ng Perpetual. “We’re up to the challenge and fully accept the hosting and with the full support and cooperation of all the members we’re expecting another success this year.”
Ang San Sebastian College-Recoletos ang huling namahala sa NCAA noong nakaraang taon.
Ang iba pang mga bagong opisyales para sa 87th NCAA season ay sina Fr. Tamerlane Lana (vice president) ng Letran, Bro. Victor Frano (treasurer) ng St. Benilde at sina Dr. Vincent Fabella ng Jose Rizal, Dr. Reynaldo Vea ng Mapua, Fr. Aloysius Maranan ng San Beda at Fr. Murillo bilang mga miyembro ng executive board.
Kaagad na itataya ng San Beda Red Lions ang kanilang senior’s crown laban sa Altas, habang sasagupain naman ng Stags, nagkampeon noong 2009, ang Jose Rizal Heavy Bombers sa pagbubukas ng torneo sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
- Latest
- Trending