^

PSN Palaro

Francisco 'di patatagalin ang laban para sa asam na title fight kontra Thai boxer

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kailangang tumagal ang laban upang manalo si Tepparith Singwancha kay Filipino champion Drian Francisco.

Ito mismo ang sinabi ng manager ni Singwancha na si Naris Singwancha sa disperas ng laban na gagawin sa Phetchaburi, Thailand ngayon para sa hawak na WBA interim super flyweight title ni Francisco.

“Drian is very good, very strong and Tepparith chance of winning is if he can survive up to six round,” wika ng Thai manager.

Kung kaya ito ng kanyang bata ay malalaman pero nakita na hindi pulido ang pagsasanay ng Thai challenger matapos ang weigh-in kahapon sa 13 Coins Grand Resort Hotel.

Tumimbang nga si Tepparith sa 115.2 pounds na lam­pas sa fight weight limit na 115 pounds. Sa eksaktong timbang naman puma­sok si Francisco upang ma­kita ang magandang kon­disyon ng boksingerong nais na mapag-ibayo ang 20-0-1, 16KO karta.

Hindi naman nagpapa­dala si Francisco sa pagiging liyamado nito sa bakbakan bagkus ay buhos ang isipan sa asam na panalo para makuha na ang mithing title fight sa WBA champion Hugo Cazares ng Mexico.

Kasama ni Francisco sa kanyang delegasyon ang manager na si Elmer Anuran ng Saved By the Bell Promotions (SBB), ang amang si Deo, trainer Benny dela Pena, conditioning coach Juvie Encontro at sina Danny Anuran at Rod Nebiar ng SBB.

Si Tepparith ang ikalawang sunod na Thai na kalaban ni Francisco matapos ni Duangpetch Kokietgym na tinalo niya sa pamamagitan ng knockout noong Nob­yembre para makuha ang interim title.

COINS GRAND RESORT HOTEL

DANNY ANURAN

DRIAN FRANCISCO

DUANGPETCH KOKIETGYM

ELMER ANURAN

HUGO CAZARES

JUVIE ENCONTRO

NARIS SINGWANCHA

ROD NEBIAR

SAVED BY THE BELL PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with