^

PSN Palaro

Ginebra tumabla sa 1-1

- Ni RCadayona -

Manila, Philippines - Kasabay ng pagpigil sa 12-game winning streak ng Tropang Texters, itinabla rin ng Gin Kings sa 1-1 ang kanilang championship se­ries.

Nakahugot ng puntos kina import Nate Brumfield, Eric Menk at rookie John Wilson sa final canto, tinalo ng Barangay Ginebra ang Talk ‘N Text, 108-106, sa Game Two ng kani­lang best-of-seven titular showdown para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bumangon ang Gin Kings mula sa kanilang 83-102 kabiguan sa Game One para itabla sa 1-1 ang kanilang title wars ng Tropang Texters.

Bumangon ang Ginebra mula sa isang 16-point deficit, 23-40, sa second period upang agawin ang 88-80 lamang sa kaaga­han ng fourth quarter hanggang mabawi ng Talk ‘N Text ang unahan sa 99-97 sa 4:01 nito mula sa tatlong freethrows ni Jimmy Alapag.

Isang 7-2 atake ang ginawa nina Menk, Brumfield, Wilson at Mike Cortez para ibigay sa Gin Kings ang 108-101 bentahe kontra Tropang Texters sa hu­ling 53.3 segundo nito.

Isang three-point shot ni Ranidel De Ocampo at basket ni Larry Fonacier ang nagdikit sa Talk ‘N Text sa 106-108 sa natitirang 20.8 segundo kasunod ang dalawang mintis na freethrows ni Willie Miller sa huling 18.3 segundo. 

 Ang mintis na jumper ni Alapag para sa huling po­sesyon ng Tropang Texters ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Gin Kings.

Samantala, magtutungo naman ang Talk ‘N Text at Ginebra ngayong araw patungong Palawan para sa kanilang Game Three bukas ng alas-6 ng gabi sa Puerto Princesa Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na komperensya na idinaos sa labas ng Metro Manila ang isang championship game matapos ang Game One ng nakaraang 2011 PBA Philippine Cup sa Vic­torias City kung saan binigo ng Tropang Texters ang San Miguel Beermen, 91-82, papunta sa kanilang 4-2 tagumpay.

Para naman sa darating na 2011 PBA Governors Cup na gagawin sa Dubai sa Hunyo 2, ipaparada ng Powerade si Tasmin Olujawon Mitchell. Ang 6’6 na si Mitchell ay kumampanya para sa Quebec K sa American Basketball Association kung saan nagtala ng mga averages na 18.0 points, 3.0 rebounds, 3.0 assists at 1.5 steals sa dalawang laro.

vuukle comment

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

BARANGAY GINEBRA

BUMANGON

CUNETA ASTRODOME

ERIC MENK

GAME ONE

GAME THREE

GIN KINGS

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with