^

PSN Palaro

A standard sa Olympics aasintahin ni Torres

- Ni AT -

Manila, Philippines - Nakabangon na si Ma­res­tella Torres sa bangu­ngot na hatid ng nagdaang Asian Games sa Guangzhou, China.

Si Torres ay muntik nang magkamedalya sa Asian Games nang makaunang lundag sa layong 6.49m. Pero sa di inaasahang pang­yayari, foul ang sumunod niyang limang attempts upang malagay lamang sa ikaapat na puwesto.

“Wala na sa isip ko iyon. Experience na lamang,” wika ni Torres.

Binigyan ng 30-anyos tubong Negros Occidental ang sarili ng magandang pagbubukas sa 2011 nang manalo ng ginto sa Thailand Open na ginanap ka­makailan sa Bangkok.

May 6.32m lundag si Torres upang talunin ang mga nakalabang si­na Dariya Ahmedova ng Uzbekistan (6.27m) at Thitima Muangjan ng Thailand (6.14).

Dalawang kompetisyon nga ang nakalinya sa kanya sa buwan ng Mayo at ito’y ang Shizuoka Grand Prix sa Japan sa Mayo 3 at Daego Pre World Championships sa Korea sa Mayo 12.

Bagamat medalya ang pupuntiryahin ni Torres, isa pa sa magpapainit sa kanyang ipakikita ay ang maabot ang “A” standard na itinalaga ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) para sa 2012 London Olympics.

“Ang A standard ay 6.75 meters habang ang B standard ay 6.65m. Ang best ko ay nasa 6.68m kaya ka­unti na lamang ay abot ko na ang A standard. Kaya ito talaga ang goal ko sa taong ito,” ani pa ni Torres.

ANG A

ASIAN GAMES

DAEGO PRE WORLD CHAMPIONSHIPS

DARIYA AHMEDOVA

INTERNATIONAL AMATEUR ATHLETICS FEDERATION

LONDON OLYMPICS

NEGROS OCCIDENTAL

SHIZUOKA GRAND PRIX

SHY

SI TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with