MANILA, Philippines - Lalarga ngayon ang 2nd Coca-Cola Hoopla na kung saan 21 siyudad mula sa NCR ang kasali at maglalaban-laban para sa P250,000 unang gantimpala na lalaruin sa iba’t ibang venues.
Magkakasama sa NCR-East zone ang Quezon City, Marikina, Pasig at Pateros habang nasa NCR West ang Taytay, Cainta, Binangonan at Antipolo.
Ang Malabon, Navotas, Valenzuela at Caloocan naman ay magkakasama sa NCR-North; ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Taguig ay nasa NCR-South at Manila Makati, Mandaluyong at San Juan ang sa NCR-Central.
May tig-apat na koponang lahok ang Quezon City, Manila at Makati habang tig-tatlo naman ang sa nalalabing kasali sa liga na naglalayong tumuklas din ng mga bata at mahuhusay na manlalaro.
Tatlong lebel ang kompetisyon na Intra-City, Inter-City at Inter-Zonal at ang mga mananalo sa Intra-City ay aabante sa Inter-City at bibigyan din ng karapatang bumuo ng isang selection mula sa mga manlalarong sumali sa Intra City.
Ang Muntinlupa ang siyang hinirang na kampeon sa unang edisyon nang talunin nila ang Pasig sa Finals. Matapos ang Finals ay pipili rin ang pamunuan ng liga ng Mythical First Five selection at MVP.