^

PSN Palaro

Rose binitbit ang bulls sa 2nd round; 3-2 sa Lakers

-

CHICAGO--Nahirapan bunga ng kanyang foul trouble at isang sprained left ankle, ipinagpag lahat ito ni Derrick Rose para sa isa na naman niyang ma­gan­dang laro.

Umiskor si Rose ng 25 points, habang may 24 naman si Luol Deng para igiya ang Chicago Bulls sa 116-89 panalo sa Game 5 at tuluyan nang sibakin ang Indiana Pacers sa kanilang first-round playoff series.

Nakatutok ngayon ang top-seeded Bulls sa Eas­tern Conference semifinals at ang posibleng matchup nila alinman sa Atlanta o Orlando.

Ibinigay ni Rose sa Chicago ang best record nito ngayong NBA season.

Hangad ng Bulls na ma­­paganda ang kani­lang kampanya matapos ang back-to-back 41-win seasons at kabiguan sa first-round playoff series.

Kinuha nila si coach Tom Thibodeau para palitan si Vinny Del Negro at binago ang kanilang roster patungo sa kanilang 62 wins.

Sa Los Angeles, itinulak ng Lakers ang New Orleans palapit sa pagkakasibak matapos gumamit ng ba­lanseng atake at ipalasap sa Hornets ang106-90 sa Game 5 ng kanilang NBA playoff series.

Binalewala ni Kobe Bryant ang sakit na nararamdaman sanhi ng kanyang sore ankle nang tumapos ito ng 19 puntos at ibigay sa Lakers ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven opening round series ng New Orleans.

Sa Orlando, Florida, patuloy ang pagbangon ng host team makaraang ilista ang 101-76 pananaig laban sa Atlanta Hawks at dalhin ang kanilang best-of-seven NBA playoff sa 3-2 deficit.

ATLANTA HAWKS

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

INDIANA PACERS

LUOL DENG

NEW ORLEANS

SA LOS ANGELES

SA ORLANDO

SHY

TOM THIBODEAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with