^

PSN Palaro

Lady Eagles may misyon sa Altas

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Manatili ang malinis na karta sa 8th Shakey’s V-League first conference ang pilit na gagawin ng Ate­neo sa pagpapatuloy ng quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Lady Eagles ang Perpetual Help sa tampok na laro dakong alas-4 matapos ang bakbakan sa pagitan ng National Uni­­versity at Southwestern University sa ganap na alas-2 ng hapon.

Unang salang sa yugto ito ng Ateneo at ipaparada nila ang 4-0 karta na nahawakan sa pagtatapos ng eliminasyon.

Kung manalo ang Lady Eagles sa larong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza, lalapit sila sa isang hakbang para pormal na makapasok sa Final Four.

Ibabandera ang kopo­nan ng matikas na Thai import na si Kesinee Lithawat na siyang lumabas bil­ang number one spiker ng torneong suportado rin ng Accel at Mikasa sa kanyang 28 of 57 marka.

Makakatulong niya ang mahusay na sina Alyssa Valdez, Jamenea Ferrer, Fille Cainglet at Gretchen Ho.

Hindi naman magiging madali ang asam na panalo dahil ang Lady Altas ay nais na makabalikwas matapos matalo sa Lyceum sa apat na set.

Kasalukuyang magka­salo sila ng FEU sa 1-1 karta at ang makukuhang panalo ay magpapalakas pa sa hangaring puwesto sa susunod na round.

Si Thai import Jeng Bualee ang mangunguna sa Perpetual pero dapat siyang mabigyan ng magandang suporta upang makuha ang mahalagang panalo.

Papasok ang Lady Co­bras mula sa five-set kabi­guan sa kamay ng University of St. La Salle Bacolod nitong Martes.

ALYSSA VALDEZ

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

GRETCHEN HO

JAMENEA FERRER

JENG BUALEE

KESINEE LITHAWAT

LADY ALTAS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with