^

PSN Palaro

Kings iniligwak ng tropang texters sa game 1

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat nasibak sa quarterfinal round, si Joe Devance pa rin ng Alaska ang nangunguna sa karera para sa Best Pla­yer of the Conference ng 2011 PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala ang 6-foot-7 na si Devance ng statistical points average na 31.750 mula sa kanyang 14.6 points, 7.8 rebounds, 4.8 assists, 1.1 shotblock at 0.3 steals per game para sa naging kampanya ng Aces sa nasabing torneo.

Kasunod naman ng Fil-Am power for­ward ang kakampi niya sa Alaska na si LA Tenorio (30.167) na naglista ng mga averages na 17.3 points, 5.0 assists, 3.8 rebounds at 1.3 steals per outing.

Nasa pangatlong puwesto si Marc Pingris (29.556) ng Derby Ace sa kanyang mga averages na 12.4 points, 11.0 boards, 1.2 assists, 1.2 steals at 0.7 blocksper game.

Inupuan naman ng tatlong Talk ‘N Text players ang No. 4, 5 at 6 slots kasunod si Gary David ng Powerade (28.333) sa kanyang 23.4 points, 3.0 rebounds, 2.6 assists at 0.9 steals per outing.

Ang tatlong Tropang Texters na nasa Top 10 ay sina Jimmy Alapag (29.333), Kelly Williams (29.167) at Ranidel De Ocampo (28.667).

Nasa ilalim ni David para sa No. 8 spot si Mark Caguioa (26.231) ng Baran­gay Ginebra sa kanyang 15.9 points, 5.7 boards, 2.7 assists at 0.6 steals per outing kasunod sina PJ Simon (26.222) ng Derby Ace at Sol Mercado (26.167) ng Meralco.

Si David ang nangu­nguna sa mga locals sa points per game average sa kanyang 23.4 points per game, samantalang si Pingris ang namumuno sa rebounding (11.0) at si Alapag sa assists department (5.5).

Kasalukuyang naglalaban para sa best-of-seven championship series ang Talk ‘N Text at ang Ginebra.

Winalis ng Tropang Texters ang Air21 Express, 3-0, habang tinalo naman ng Gin Kings ang Nationals ng Smart-Gilas Pilipinas 3-1, sa kani-kanilang best-of-five semifinals series upang itakda ang kanilang titular showdown.

Kumpara sa Talk ‘N Text na naging No. 1 sa elimination ropund, dumaan na­man ang Ginebra sa quarterfinals kung saan nila binigo ang Rain or Shine, 2-1, sa kanilang best-of-three series para umabante sa semis. 

Huling nagkampeon ang Tropang Texters sa nakaraang 2011 PBA Phili­pine Cup, samantalang noong 2008 Fiesta Conference naman naghari ang Gin Kings tampok si seven-foot import Chris Alexander.

BEST PLA

CHRIS ALEXANDER

DERBY ACE

FIESTA CONFERENCE

GARY DAVID

GIN KINGS

GINEBRA

N TEXT

POINTS

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with