Malakas na U-23 team isasabak ng PFF sa SEAG
MANILA, Philippines - Habang naghahanda ang Azkals seniors team para sa 2014 World Cup Asian Qualifiers, isasabak naman ng Philippine Football Federation (PFF) ang pinakamalakas nilang U-23 squad para sa medalya sa Southeast Asian Games (SEAG).
Sinabi ni Azkals team manager at PFF national teams committee chairman Dan Palami na kasalukuyan na silang tumutukoy ng mga recruits para sa PFF Suzuki Cup U-23 championships.
“We’re already preparing for the SEA Games and we’re doing our best to form the best U-23 team,” sabi ni Palami sa koponang hahawakan rin ni Azkals mentor Michael Weiss at tatampukan ng anim hanggang pitong Azkals sa pamumuno ni Fil-British goalie Neil Etheridge.
Hindi pa nagwawagi ng medalya sa SEA Games ang Phl men’s football team.
Sa kanyang scouting at tryouts activities sa Nagold, Germany, iniulat ni Weiss ang posible niyag pagkuha kay Patrick Reichelt, isang striker na tumipa ng limang goals para sa Cottbus second team sa Nagold International Football tournament, at si Oliver Poetschke, isang malakas na central defender.
- Latest
- Trending