MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpoposte ng kanilang 10-game winning streak, dumiretso naman ang Tropang Texters sa kanilang ikalawang sunod na finals appearance.
Nagtayo ng isang 26-point lead sa third period, tinalo ng Talk ‘N Text ang Air21, 118-104, sa Game Three upang angkinin ang finals berth para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Ito ang pang 10th overall finals stint ng Tropang Texters, hangad ang kanilang ikaapat na korona kasama ang mini tournament na 1998 Centennial Cup, matapos pagharian ang nakaraang PBA Philippine Cup kontra San Miguel Beermen.
Winalis ng Talk ‘N Text ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Air21 sa 3-0 patungo sa best-of-seven championship series. Tinalo ng PLDT franchise ang Bert Lina Group of Companies team sa Game One, 97-90, at Game Two, 114-96.
Mula sa 38-29 lamang ng Express sa 8:20 ng second period mula sa basket ni Wynne Arboleda, inagaw ng Tropang Texters ang halftime, 51-44, galing sa isang 22-8 atake nina import Paul Harris, Larry Fonacier at Ali Peek.
Itinala ng Talk ‘N Text ang isang 26-point advantage, 84-58, mula sa isang three-point shot ni Fonacier.
Sa ikalawang, dinala ng Smart Gilas ang kanilang serye ng Ginebra sa 1-2 matapos igupo ang Kings, 100-88.
Talk N’ Text 118 - Harris 28, Alapag 27, Fonacier 19, Williams 12, Peek 9, Castro 7, Reyes 7, De Ocampo 7, Carey 2, Aban 0, Alvarez 0.
Air21 104 - Arboleda 28, Hontiveros 23, Seigle 21, Bangura 8, Urbiztondo 7, Reyes 7, Najorda 6, Sharma 2, Peña 2, Juntilla 0, Avenido 0, Artadi 0, Gonzales 0.
Quarterscores: 21-30, 51-44, 79-58, 118-104.
Smart Gilas 100 - Casio 30, Douthit 25, Ramos 15, Aguilar 10, Lassiter 8, Baracael 6, Lutz 2, Tiu 2, Barroca 2, Ababou 0.
Ginebra 88 - Brumfield 30, DeOcampo 13, Cortez 8, Labagala 7, Intal 7, Caguioa 7, Miller 5, Hatfield 4, Tubid 3, W. Wilson 2, Mamaril 2, J. Wilson 0.
Quarterscores: 19-23, 39-49, 74-67, 100-88.