Maynilad, Freego nakalusot

MANILA, Philippines - Nagpasiklab agad si Bor­gie Hermida sa kanyang pagbabalik sa dating mga kasamahan upang katampukan ang 119-67 panalo ng Maynilad sa Junior Po­werade sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Oreta Gym, Malabon.

Ang dating PBA pla­yer na kinuha ng Water Dra­gons ay naghatid ng 10 puntos at 10 assists pa­ra ipakitang taglay pa rin Hermida ang bangis na nagresulta sa apat na NCAA titles ng San Beda.

Ang intensidad ni Hermida sa court ay nakahawa sa ibang kakampi dahil limang iba pa sa pangu­nguna ni Jake Pascual na mayroong 20 puntos at 11 rebounds, ay umiskor din ng doble pigura.

Tinapos naman ng Freego Jeans ang tatlong su­nod na kabiguan sa pa­mamagitan ng 65-53 panalo sa RnW Pacific Pi­pes sa isa pang laro.

 May 19 puntos si Lester Alvarez habang nagsanib naman sa 28 puntos at 28 rebounds sina Jan Colina at Eric Camson para sa Falcons na lumayo sa kalaban sa ikatlong yugto para makapasok sa win column sa Group B.

Maynilad 119 --J. Pascual 20, Lim 18, Lanete 15, Marcelo 14, Caram 12, Hermida 10, Dela Rosa 8, A. Semerad 7, Diputado 5, D. Semerad 4, K. Pascual 4, Catolico 2, Villahermosa 0.

Junior Powerade 67--Martinez 14, Ilad 13, Gin gerich 9, Jeffries 9, Padilla 8, Sison 7, Gamboa 4, Maniego 2, Smith 1, Juruena 0, Wong 0.

Quarterscores: 36-8; 64-25; 86-44; 119-67.  

Show comments