CHICAGO - Umiskor si Derrick Rose ng 36 points, habang nagdagdag si Carlos Boozer ng 17 points at 16 rebounds para itakas ang top-seeded Chicago Bulls sa Indiana Pacers, 96-90, sa Game 2 ng kanilang first-round playoff series.
“Every game will be tough,” ani Boozer. “There’s not going to be any easy games in this playoffs in any series. So we look forward to some more tough games. We’re built for that. We’ve had close games all season, and we don’t expect any easy games.”
Humugot si Rose walong puntos sa huling 4 na minuto ng laro para pangunahan ang panalo ng Bulls.
Isinalpak naman ni Kyle Korver, tumipa ng tiebreaking 3-pointer sa opening 104-99 victory ng Chicago, ang isang tres para iwanan ang Indiana sa 90-85 sa huling minuto ng labanan.
Dalawang freethrows ang ikinonekta ni A.J. Price mula sa foul ni Rose para idikit ang Pacers sa 88-90 agwat sa huling 23.4 segundo bago ang dalawang charities ni Luol Deng muling lumayo ang Bulls sa 92-88.
Nagkaroon naman si Indiana forward Darren Collison ng isang sprained left ankle injury sa dulo ng first half.
Sa Miami, gumawa si LeBron James ng 29 puntos at inilista naman si Chris Bosh ng kanyang ikalawang sunod na double-double sa pagpitas ng 21 puntos at 11 rebounds at kunin ang 2-0 lead sa kanilang first-round playoff ng Philadelphia makaraang igupo ang 76ers, 94-73.
Nagposte rin si Jameds ng pitong rebounds at anim na assists para sa Heat na hindi man lang naghabol sa Game 2.
Nakatakda ang Game 3 sa Huwebes sa bakuran ng Philadelphia.