^

PSN Palaro

Balewalain ang odds, mag-pokus sa training

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Aminado ang Team Mos­ley na naaapektuhan ang pagsasanay ni Sugar Shane Mosley kaugnay sa kanyang pagiging 1-7 fa­vorite at kawalan ng res­peto sa kanya ng ilang bo­xing analysts.

Sinabi ni trainer Naazim Richardson na pinipilit na lamang niyang bigyan ng kumpiyansa si Mosley, maghahamon kay Manny Pacquiao sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“There have been days where I really have to put it in his head that odds ang media predictions don’t mean anything,” wika ni Ricahrdson kay Mosley. “It really bothers him when he reads some of that stuff.”

Marami ang nagsasabi na magiging madali ang laban ng 32-anyos na Filipino world eight-division champion na si Pacquiao laban sa 39-anyos na si Mosley, isang three-division titlist.   

Idedepensa ni Pacquiao, may 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight title kontra kay Mosley (46-6-1, 39 KOs).

Para palakasin ang loob ni Mosley, sinabi ni Richardson na ituturing niyang si Mosley si James “Buster” Douglas at si Pacquiao si Mike Tyson.

“I told Shane this fight is his Buster Douglas versus Mike Tyson moment. You knock this due out and all will be forgiven,” ani Richardson kay Mosley. “Fans and media will forgive him for a few bad performances.”

Nanggaling si Mosley sa isang unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr. at isang draw kay Sergio Mora noong 2010. 

vuukle comment

BUSTER DOUGLAS

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MIKE TYSON

MOSLEY

NAAZIM RICHARDSON

PACQUIAO

SERGIO MORA

SUGAR SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with