Hobe, Wang's nanalasa sa MBL tourney
MANILA, Philippines - Sumandal ang Hobe Bihon sa mga mainit na kamay ni American Jason Davis upang pabagsakin ang Logohu, 111-100, at patatagin ang paghawak sa liderato sa kanilang ikalimang dikit na panalo sa 2011 MBL Open basketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City kamakailan.
Ang 6-5 na si Davis ay nagpasiklab ng husto at gumawa ng game-high 33 puntos, kabilang na ang ilang picture-perfect alley-oop dunks , upang pamunuan nag come-from-behind na panalo ng Hobe laban sa matikas na Logohu sa eight-team, single-round tournament na sinusuportahan ng Smart Sports, Dickies Underwear, PRC Couriers, Big Banners Tarpaulin at WG Diner.
Sa ikalawang laro, pinataob ng Wang’s Ballclub ang SCUAA champion Rizal Technological University, 127-107, para sa ikaapat na panalo sa anim na laro.
Ang dating FedEx/Air21 player na si Biboy Simon ay gumawa ng tournament-high 40 puntos, kabilang na ang pitong three point shots at pangunahan ang Mandaluyong-based team.
- Latest
- Trending