^

PSN Palaro

2 dikit na panalo puntirya ng Tigers vs Water Dragons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na pa­nalo na tuluyang magpa­patibay pa sa hanga­ring ma­alpasan ang elimi­nasyon ang hangad ngayon ng Junior Powerade sa pagpapa­tuloy ng PBA D-League Foun­dation Cup sa Oreta Gym sa Malabon.

Kalaban ng Tigers ang Maynila sa ganap na alas-2 ng hapon at maitatabla nila sa 2-2 ang karta kung ma­nalo sila sa Water Dra­gons.

Tinapos ng koponan ni coach Ricky Dandan ang dalawang sunod na ka­biguan nang mangibabaw sa Cebuana Lhuillier, 77-73, sa huling laro.

Sa kabilang banda, ang Water Dragons naman ay magsisikap na buma­ngon matapos ang 67-77 pagkatalo sa FCA para magkaroon ng 2-2 karta sa Group B.

Kung matatalo pa sa Tigers ay malalaglag ang Maynilad sa ikaanim na pu­westo sa grupo.

Wakasan din ang tatlong sunod na kabiguan ang pilit na gagawin ng Free­go Jeans sa pagkikita nila ng RnW Pacific Pipes sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Bagamat binubuo ng matitikas na manlalaro ng Adamson, hindi pa kumikinang ang tropa ni coach Leo Austria nang matalo sa unang tatlong laro upang malagay sa huling puwesto sa Group A.

Gaya ng Freego Jeans, mangangailangan din ng panalo ang Pacific Pipes (1-2) dahil ang makukuhang tagumpay ay magtu­tulak sa koponan para makasalo sa Pharex at PC Gilmore sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto kasunod ng nangungunang NLEX at Black Water Elite na may magkatulad na 3-1 baraha.

Magbabalik sa Maynila si coach Frankie Lim matapos masuspindi ng isang laro pero hindi nila maga­gamit si Sudan Daniel dala ng injury.

BLACK WATER ELITE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUN

FRANKIE LIM

FREEGO JEANS

GROUP A

GROUP B

JUNIOR POWERADE

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with