Lady Pirates kinuha ang ikatlong quarterfinals seat; Group A winalis ng mabangis na Ateneo Lady Eagles

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdomina ng Lady Eagles sa Group A, ibinulsa naman ng Lady Pirates ang ikatlong quarterfinals ticket.

 Binigo ng Lyceum of the Philippines University ang Far Eastern University, 25-17, 25-20, 25-22, sa Season 8 ng Shakey’s V-League first conference kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Nagposte sina Joy Ca­ses at Dahlia Cruz ng pi­nagsama nilang 25 attacks bukod pa ang 29 hits pa­ra sa 2-2 marka ng Lady Pi­rates.

Pitong blocks at 10 points naman ang inilista ni Marie Casanova para sa Lyceum.

Ang kabiguan ang nag­tulak sa Lady Tams (0-3) sa isang do-or-die match sa Lady Stags (0-3) para sa huling quarterfinals berth.

Winalis naman ng Ate­neo De Manila Univetsity ang Group A matapos pa­yukurin ang bumubulusok na San Sebastian College, 25-13, 25-11, 24-26, 25-22.

Nagtala si Thai import Lithawat Kesinee ng 23 hits, tampok rito ang season-high 9 blocks, para sa 4-0 baraha ng Lady Eagles pa­tungo sa quarterfinal round.

Nag-ambag si guest pla­yer Alyssa Valdez ng 22 points para sa Ateneo.

Show comments