^

PSN Palaro

Khan hindi ilalaban ni Roach kay Pacquiao

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Bilang kanyang mga alaga, hindi itatapat ni trainer Freddie Roach si Briton world light welterweight titlist Amir Khan kay Filipino world eight-division champion Manny Pac­quiao.

Ayon kay Roach, mas gusto pa niyang ilaban si Khan kay Floyd Mayweather, Jr., dalawang beses na umatras sa itinatakda nilang megafight ni Pacquiao.

Si Khan ay nakasabay ni Pacquiao sa pag-eensayo sa Baguio City noong Marso at maging sa Wild Card Boxing Club ni Roach sa Hollywood, California.

Ayon kay Khan, marami siyang natutunan sa pakikipag-sparring sa Sarangani Congressman.

“When we spar it’s just full-on sparring, we learn from each other and I don’t think I could get better sparring than Manny Pacquiao,” sabi ni Khan, silver medalist sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.

Sina Karim Mayfield at Shawn Porter ang mga sparring partners ngayon ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Club ni Roach.

Kasalukuyang naghahanda ang 32-anyos na si Pacquiao para sa kanyang pagde­depensa laban sa 39-anyos na si Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

At kumpiyansa si Khan na mananalo si Pacquiao laban kay Mosley.

Isa lamang ang six-time world champion na si Mayweather sa mga tinitingnan naman ni Roach bilang potensyal na makakasagupa ng 24-anyos na si Khan.

“I think we could face Timothy Bradley to unify the division,” ani Roach para sa susunod na laban ni Khan. “He could go up to welterweight to fight Floyd Mayweather, Jr.”

Itataya ni Pacquiao, bitbit ang 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight title kontra kay Mosley (46-6-1, 39 KOs).  

AMIR KHAN

AYON

BAGUIO CITY

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

KHAN

LAS VEGAS

MANNY PAC

PACQUIAO

WILD CARD BOXING CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with