^

PSN Palaro

3-peat sa PBaRS tilt nais iukit ni Carlos

-

MANILA, Philippines - Manalo pa ng grandslam ang nais na gawin ng 15-anyos na si Maria Bian­ca Ysabel Carlos sa mga susunod pang MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament.

Si Carlos ang kuminang nang husto sa torneong inor­­ganisa ng Philippine Badminton Association (PBA) dahil nagkampeon siya sa Open ladies at U-19 singles at sa U-19 do­ubles.

“My target is to win a grand slam again in the remaining legs of the PBaRS,” wika nito.

Ang iba pang leg ng kompetisyon ay isusulong sa Bacolod, Davao at Manila.

Aminado ang manlalarong kinakatawan ang Golden Shuttle Foundation na hindi niya inakalang mananalo sa Open dahil ang kalaban niya ay ang mas beteranong si Gelita Castilo.

Si Castilo ay nanalo na ka Carlos nang maglaban sa 2010 Yonex Phl Open Ladies singles finals.

“I just told myself to listen to my coach’s instruction, play my game and do my best,” simpleng paalala niya sa sarili sa ikalawang pagtutuos nila ni Castillo.

Ang second leg ay papalo sa Bacolod mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4 at ngayon pa lamang ay panay panay ang ensa­yo ng second year high school sa St. Paul College sa Pasig.         

BACOLOD

GELITA CASTILO

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

MARIA BIAN

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

SI CASTILO

SPORTS FOUNDATION-BINGO BONANZA PHILIPPINE BADMINTON RANKING SYSTEM

ST. PAUL COLLEGE

YONEX PHL OPEN LADIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with