^

PSN Palaro

Krusyal na panalo pakay ng lady Stags VS Eagles

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pilit na ibabangon ng San Sebastian ang mataas na estado nito sa Shakey’s V-League sa pagpuntirya sa mahalagang panalo sa pagpapatuloy ng laro ngayon sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady Stags ang matikas na Ateneo sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon na sinisipat na mawakasan ang dalawang dikit na kabiguan na nagla­lagay sa peligro sa hangarin ng koponan na makausad sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Kung mabibigo pa ay malalagay na sila sa sudden-death laban sa FEU sa kanilang huling laro sa group A sa torneong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza at binigyan pa ng ayuda ng Accel at Mikasa.

Tila iniinda ng NCAA champions ang katotohanang hindi sila kumuha ng Thai import dahilan upang bumagsak ang kanilang laro laban sa Southwestern University at Lyceum.

Minalas pa ang San Sebastian na ma-injured ang kanilang mahusay na manlalaro na si NCAA MVP Joy Benito upang maiwan kina Cherry Macatangay, Suzanne Gonzales at Elaine Cruz ang ipakikitang laban para pigilan din ang Lady Eagles sa hangaring 4-0 sweep sa grupo.

Makausad na sa se­cond phase ng kompetisyon ang nasa isipan naman ng Lyceum sa pagharap sa FEU sa unang laban sa alas-2 ng hapon.

May 1-2 karta ang Lady Pirates at papasok sila mula sa 3-1 panalo sa Baste upang magkaroon ng momentum sa Lady Tamaraws na hangad ding makuha ang unang panalo matapos matapos sa naunang dalawang asignatura.

CHERRY MACATANGAY

ELAINE CRUZ

FIL-OIL FLYING V ARENA

JOY BENITO

LADY EAGLES

LADY PIRATES

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with